Jul 29, 2006

ENTRY 34: NANUOD AKO NG SUKOB

Hindi ko ineexpect na mag-eenjoy ako sa pelikulang ito... Oo napanuod ko ang Feng shui nuong isang taon at nagustuhan ko yung pelikula... Pero ito, parang mas maganda siya... At least masasabi ko na hindi siya Purefoods Chunkee the movie... walang endorsement sa kahit anong parte ng pelikula ang naganap... at dahil dyan masaya ako...

Hindi ako mahilig manuod ng pelikulang pilipino sa kadahilanang madalas ang mga ito ay corny o kopya lang mula sa banyagang mga kwento... Pihikan ako sa mga pinapanuod ko... at kadalasan nakakapanuod lang ako ng tagalog kapag may film festival pag Disyembre, pero hindi rin yun ganun kadalas...

Ang kinatutuwa ko dito sa pelikulang ito eh, may natututunan ako na bagong mga pamahiin, kagaya ng, hindi pala maaaring ikasal ang magkapatid sa loob ng isang taon... Malas... Mabuti na lang wala akong kapatid... Di rin ata ako ikakasal...feeling ko lang... o kung mangyayari man yun, eh medyo matagal-tagal pa... Anyway, lumalayo na ako sa topic... yun nga, malas daw ang sukob sa patay at sukob sa kasal... sinusumpa kung sino man yung sumusuway doon... Kaya kung sinu-sino ang namatay at nawala sa pamilya ni Kris Aquino at Claudine Barretto.

Tungkol sa pelikula, maganda naman siya, gaya ng sabi ko kanina at least hindi na nagpopromote si Kris ng chunky corned beef niya... May kwento naman siya at nakakatuwa ang ilang eksena... Nakakatakot palang maging multo si Bernard Palanca.. bagay sa kanya yung mga ganung klase ng role... effective siya... tapos yung batang multo... nakakakilabot... nanginginig ako kapag nakikita ko siya... pero wala pa ring tatalo kay lady lotus feet para sa akin... mas nakakatakot nga lang itong pelikulang ito...

Rating:8/10

No comments:

Post a Comment